Kinumpirma ng Department of Health (DOH) na hindi pumasa sa kanilang evaluation ang SD Biosensor na isang brand ng COVID-19 antigen test mula South Korea.
Ayon kay Health Usec. Maria Rosario Vergeire, dapat 80% ang sensitivity rate at 97% ang specificity ng isang test kit para sa COVID-19.
“Ang SD Biosensor, base doon sa inilabas na pag-aaral at validation ng Research Institute for Tropical Medicine (RITM), ay nagkaroon lang ng 71% sensitivity.”
Sa kabila nito patuloy pa rin daw na pag-aaralan ng local experts ang SD Biosensor na brand ng antigen test dahil kasali ito sa emergency-used listing ng World Health Organization (WHO).
“Dahil hindi pumasa sa local validation for sensitivity, but it was approved as an emergency-used in the WHO.”
SALIVA TESTING UPDATE
Samantala, sinabi rin ni Usec. Vergeire na may dalawang institusyon nang nag-aaral sa posibilidad na magamit din na stratehiya ang saliva testing.
Ayon sa opisyal, ang RITM at Philippine Red Cross ay may kanya-kanya na ring pag-aaral at trials para makita kung epektibo rin bang maka-detect ng SARS-CoV-2 virus sa pamamagitan ng laway.
“There are two things about saliva. May isa yung saliva na ginagamit na specimen instead of the nasopharyngeal and the oropharyngeal specimens. Mayroon namang isa na tinutuloy na nila sa pagte-test, so you call that saliva testing.”
Sa ngayon hinihintay pa ng Health department ang resulta ng pilot test ng antigen test sa Baguio City bago ilabas ang Omnibus guidelines para sa COVID-19 testing.
May paghihigpit din kasi ang WHO sa paggamit ng antigen test para malaman kung positibo sa coronavirus and indibidwal.
“Nakapagbigay na sila ng initial results but this is not yet conlusive. Aantayin lang natin makumpleto (ang results).”
Bukod sa testing, lalamanin din ng guidelines ang panuntunan sa iba pang COVID-19 strategy ng gobyerno tulad ng isolation at contact tracing.