Napatunayang guilty ang babaeng security screening officer na nahuli sa closed circuit television (CCTV) na lumulunok ng umano’y dollar bill sa NAIA.
Ayon kay Department of Transportation Secretary Jaime Bautista, bukod sa babaeng screening officer, nahaharap ngayon sa mga kasong administratibo at kriminal ang tatlo pang tauhan ng Office for Transportation Security (OTS).
Sinabi ni Bautista na ang ulat ng imbestigasyon ay naipasa na sa kanyang tanggapan na nagpapahiwatig na may nagawang maling aktibidad.
Ang $300 bill ay ninakaw umano mula sa isang dayuhang pasahero.
Matatandaan na nakita sa CCTV footage na nilunok ng isang babaeng screening officer ang nasabing halaga ng pera.
Ngunit sinabi naman ng screening officer na tsokolate lamang ang kanyang nilulunok.
Una na rito, ang insidente ang naging dahilan ng pagbibitiw ni OTS administrator Ma.o Aplasca matapos sabihin ni House Speaker Martin Romualdez na personal niyang haharangin ang budget ng ahensya kung hindi ito aalis sa Office of transportation security.