-- Advertisements --
Hindi na itinuloy ng actress na si Scarlett Johansson ang kaso laban sa Walt Disney.
Ito ay matapos na nagkaroon ng settlement ang dalawang kampo.
Nagbunsod ang kaso noong buwan ng Hulyo ng akusahan ng Hollywood actress ang movie outfit dahil sa pagpalabas ng Marvel superhero movie na “Black Widow” sa mga video streaming na hindi man lang ipinaalam sa kaniya.
Sinabi ni Alan Bergman ang content chairman ng Disney Studios na labis silang natutuwa dahil sa pagpayag na ng actress na makipag-ayos.
Kuntento naman ang actress sa naging kasunduan para hindi na matuloy ang kaso.