-- Advertisements --

Ipinag-utos ng Supreme Court (SC) sa anti-graft court sa Sandiganbayan na tanggalin si dating first gentleman Jose Miguel “Mike” Arroyo sa kasong graft.

Ito ay matapos na masangkot si Arroyo sa maanomalyang pagbili ng Philippine National Police (PNP) ng mga pre-owned helicopter noong 2009.

Batay sa isang desisyon na inilibas ng Korte Suprema nito lamang Abril 10 na may petsang Disyembre 1, 2021 nakasaad na binaligtad ng SC Special Third Division ang ruling nito noong January 27, 2020.

Dito ay pinagbigyan muli ang inihaing motion for reconsideration ni Arroyo, na nagsasabing hindi dapat siya sinampahan ng kaso.

Nakasaad sa nasabing resolusyon na hindi sapat ang ebidensyang idinagdag ng prosekusyon upang patunayan ang mga alegasyon ng pakikipagsabwatan ni Arroyo sa mga public official at gayundin ang naging mga paglabag nito sa Section 3(e) ng R.A. No. 3019

Ayon sa korte, upang mapanagot ang isang private citizen tulad ni Arroyo ay kinakailangan na mapatunayan at maipakita muna ang naging sabwatan nila ng mga public officials na sakop ng nasabing batas.

Ang Section 3(e) ng Anti-Graft and Corrupt Practices Act ay nagpaparusa sa pagbibigay sa anumang private party ng mga unwarranted benefits, advantage o preference in the discharge of his administrative or judicial functions through manifest partiality, evident bad faith o gross inexcusable negligence.