-- Advertisements --

Kasabay ng pagsasailalim sa Metro Manila sa general community quarantine (GCQ) inatasan na rin ng Korte Suprema ang lahat ng mga judges ng first at second level courts na mag-report sa kanilang mga opisina.

Sa Office of the Court Administrator (OCA) Circular No. 98-2020 na ilibanas ni Court Administrator Jose Midas Marquez, inatasan din nito ang lahat ng mga korte na magsumite ng kanilang daily reports kaugnay ng pagpapalaya sa mga qualified Persons Deprived of Liberty (PDLs).

Ito ay bilang pagtalima na rin sa Secs. 5 at 10, A.M. No. 12-11-2-Supreme Court (SC) sa pamamagitan ng reduced bail at recognizance para sa mga qualified indigent PDLs.

Kabilang din dito ang mga idinaan sa pagpipiyansa online at ang mga children in conflict with the law.

Lahat din ng mga korte ay inatasang magsumite ng weekly reports sa mga isinasagawang videoconferencing hearings bilang pagtalima sa OCA Circular No. 98 2020, na may kaugnayan sa par. 9, OCA Circular No. 93-2020.

Sa mga korte namang sakop ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) at Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) ang pagsusumite ng Daily Status Reports sa mga urgent matters o mahahalagang bagay ay kailangang magpatuloy hanggang ang kanilang areas ay isasailalim na sa General Community Quarantine o Modified General Community Quarantine.