-- Advertisements --
supreme court 1

Hiniling ng Korte Suprema, sa pamamagitan ng Office of the Court Administrator (OCAD), sa National Bureau of Investigation (NBI) na imbestigahan ang isang social media page na nag-aalok ng umano’y “100 percent legit” na serbisyo para sa annulment at nullity of marriage.
Ayon sa request, kaagad na pinaiimbestigahan ng SC ang nasabing social media page upang matugunan o kasuhan ang sinumang namamahala dito.

Sa ilalim ng Presidential Decree 828, ang Office of the Court Administrator ay may mandato na tulungan ang Korte Suprema sa pangangasiwa nitong administratibo sa lahat ng korte sa bansa, gayundin sa mahigit 2,000 hukom at mahigit 20,000 tauhan ng hukuman.

Ang annulmet ay isang legal na proseso ng pagdeklara ng isang legal binding ng kasal na null and void.

Sa mga kaso ng annulment, ang mga pagdinig ay isinasagawa, na kinabibilangan ng paglalahad ng mga testigo at mga dokumento.

Ang Office of Solicitor General ay nakikilahok sa mga paglilitis sa pagpapawalang-bisa dahil kinakatawan nito ang interes ng estado sa pagprotekta sa mga kasal.

Ang Office of the Court Administrator ay naudyukan na magsagawa para sa isang imbestigasyon matapos ang atensyon nito ay tawagin sa isang social media advertisment na nag-aalok upang iproseso ang annulment at nullity ng isang kasal.