-- Advertisements --
Supreme Court

Inihayag ng Korte Suprema (SC) ang plano nitong magsagawa ng national summit para sa decongestion ng mga kulungan sa bansa.

Sa isang pahayag, sinabi ng SC na ang National Jail Decongestion Summit ay gaganapin sa pakikipag-ugnayan sa Justice Sector Coordinating Council, na binubuo ng SC, Department of Justice (DOJ), at Department of the Interior and Local Government (DILG).

Ayon kay Chief Justice Alexander Gesmundo, magtutulungan ang nasabing ahensya upang tukuyin ang mga ugat ng matagal ng pagsisikip sa mga kulungan.

Aniya, layunin nag korte na magtatag ng mga bagong patakaran at mga hakbangin na magpapabilis sa pagproseso ng mga criminal cases at magpapagaan ng pagsisikip sa loob ng mga kulungan.

Ayon kay Gesmundo, ang Korte Suprema ay nangunguna sa mga hakbangin na makikinabang sa mga inmates tulad ng mas mababang halaga ng piyansa para sa mga indigents.

Matatandaan na noong Pebrero, naglabas ang DOJ ng department circular na nag-uutos na bawasan ang mga bail bond para sa mga mahihirap na Pilipinong nahaharap sa mga kinauukulang mga kaso.