Magsasagawa rin ngayong araw ang Supreme Court (SC) ng disinfection, sanitation at paglilinis sa kanilang mga gusali hanggang sa Linggo Marso 14.
Pero sa kabila nito, base sa Memorandum Circular na pirmado ni Chief Justice Diosdado Peralta, magkakaroon pa rin naman ng skeleton force ang Korte Suprema para sa mga magsasagawa ng transaksiyon.
Kabilang dito ang mga Medical at Dental Services, Security at Maintenance Divisions, Office of Administrative Services-Supreme Cour.
Naatasan ang mga itong pumasok sa kanilang trabaho ngayong araw hanggang Marso 14.
Epektibo naman sa Lunes, March 15 hanggang Marso 19, lahat ng opisina ng Korte Suprema ay required na magkaroon ng 50 percent skeleton force para mapanatili ang physical distancing ng six (6) feet.