
Umaasa ngayon ang Supreme Court (SC) na wala nang magiging aberya sa kauna-unahang “online oath Tltaking” ng mga bagong abogado ng bansa.
Kasunod na rin ito ng isinagawang dry run o rehearsal sa gagawing online oath taking bilang pag-iingat laban sa Coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ayon kay SC Spokesman Atty. Brian Keith Hosaka, pinaghahandaan talaga ng Korte Suprema ang naturang oath taking lalo na at bihira itong mangyari para sa mga nakapasa sa 2019 Bar Examination.
Ang panunumpa ng 2,103 na abogado ay gagawin sa June 25, 2020, alas-2:00 ng hapon.
Ang oath taking ay mapapanood naman ng live sa istasyon ng gobyerno na PTV-4, ayon kay Hosaka.
Nauna nang naglabas ang Supreme Court PIO ng kopya ng programa para sa Online Oath Taking, na pangungunahan mismo ni Chief Justice Diosdado Peralta.










