-- Advertisements --
oath taking of CJ Peralta
oath taking of CJ Peralta/ Sen. Bog Go image

Nagpatupad na ang Korte Suprema ng balasahan sa tatlong dibisyon nito kasunod ng pagkakatalaga kay Chief Justice Diosdado Peralta.

Pamumunuan ni Peralta ang First Division at miyembro niya sina Justices Alfredo Caguioa, Jose Reyes, Amy Lazaro-Javier at Henri Jean Inting.

Si Senior Associate Justice Estela Perlas-Bernabe naman ang mamumuno sa Second Division at miyembro dito sina Justices Andres Reyes, Ramon Paul Hernando, Henri Jean Inting at Rodil Zalameda.

Habang sa Third Division, pamumunuan ito ni Justice Marvic Leonen at miyembro naman sina Justices Alexander Gesmundo, Rosmari Carandang, Rodil Zalameda at Amy Lazaro-Javier.

Sa inilabas na serye ng mga special order na pirmado ni Peralta, ang En Banc Raffle Committee ay pamumunuan na ni Senior Associate Justice Estela Perlas-Bernabe, habang ang Division Raffle Committee naman ay pamumunuan ni Associate Justice Marvic Leonen.

Maging ang mga miyembro ng Senate Electoral Tribunal (SET) at House of Representatives Electoral Tribunal (HRET) ay binalasa rin.

Para sa SET, chairperson si Bernabe at myembro naman sina Caguioa at Gesmundo.

Para naman sa HRET, chairperson si Leonen at myembro naman sina Andres Reyes at Jose Reyes.

Kaninang umaga ay pinulong din ni Peralta ang mga hepe ng mga tanggapan sa Korte Suprema para talakayin ang mga proyekto na gagawin sa ilalim ng kanyang pamumuno.