-- Advertisements --

ILOILO CITY – Pinagtibay ng Korte Suprema ang pagkilala sa More Electric and Power Corporation (More Power) bilang electric distribution utility sa Iloilo City.

Ito ay matapos na siyam na Supreme Court justices ang bomoto pabor sa MORE sa expropriation case na isinampa ng Panay Electric Co. (PECO), at anim na mga huwes naman ang hindi pumabor.

Ang kaso ay may kaugnayan sa 2019 ruling sang Mandaluyong City Regional Trial Court (RTC) na nagdedeklara na iligal ang mga probisyon sa ibinigay na prangkisa sa MORE Power.

Ang pagbasura ng korte suprema sa motion for reconsideration na isinampa ng PECO ay nangyari 19 na araw bago ang nakatakdang pagretiro ni Chief Justice Diosdado Peralta sa Marso 27.

Naging kontrobersyal ang kaso matapos na umakyat ito sa korte suprema dahil sa pagkontra ng PECO sa expropriation proceedings na ginawa ng MORE.

Napag-alaman na nag-expire ang franchise ng PECO noong Enero 2019.

Pinirmahan naman ni Presidente Rodrigo Duterte ang RA 11212, na nagbibigay ng 25-year distribution franchise pabor sa MORE Power.