-- Advertisements --

Bilang pagkilala sa kanyang exemplary service sa Supreme Court (SC) ay ginawaran ng Exemplary Career Jurist Award si Senior Associate Estela M. Perlas Bernabe kasabay ng kanyang pagreretiro kahapon.

Sa Special En Banc Session na isinagawa sa Supreme Court Session Hall kasabay ng pagreretiro ni Senior Associate Justice Perlas- Bernabe ay ibinahagi ni Chief Justice Alexander G. Gesmundo na napagkasunduan ng Korte Suprema na gumawa ng award para sa mahistrado.

Ayon kay Gesmundo, ito raw ang kauna-unahang award para sa isang nagretirong mahistado sa kasaysayan ng Philippine Judiciary.

Ang award ay para sa distinct set ng mga mahistrado ng mg kataas-taasang hukuman dahil sa kanilang serbisyo sa hudikatura mula sa lahat ng level ng korte partikular na ang trial court, lower collegiate court hanggang sa Korte Suprema.

At walang ano mang backlog o docket sa kada promosyon nito sa next level court hanggang sa pagreretiro ng mga ito.

Nagawa raw ito ni Perlas-Bernabe sa 26 taon nitong judicial career.

Umaasa ang Chief Justice na sa pamamagitan ng nasabng award ay tutularan din ng mga court personnel ang record ng dating mahistrado na hindi matatawaran ang naging sebisyon sa hudikatura.

Pinangunahan din ni Chief Justice Gesmundo ang mga Associate Justices ng SC sa pagbibigay ng tribute kay Senior Associate Justice Perlas-Bernabe.

Kabilang naman sa mga traditional tokens na ibinibigay ng Supreme Court maliban sa mga personal tributes ng mga mahistrado ang Philippine flag, Supreme Court flag, commemorative pin, seal, brass shingle, judicial robe, gavel, Statuette of Judicial Excellence at ang The Chief Justice Jose Abad Santos Award.