-- Advertisements --

Nanawagan si Supreme Court Chief Justice Diosdado Peralta sa mga otoridad na kaagad imbestigahan ang nangyaring pag-ambush sa isa sa kaniyang staff at Camarines Sur Regional Trial Court judge na si Jeaneth Gaminde San Joaquin.

Sa isang pahayag, kinondena ng chief justice ang ginawang pagpatay kay Joaquine at sa kasamahan nito.

Nais ni Peralta na kumilos kaagad ang mga pulis upang pamanagot ang sinomang nasa likod ng ambush at patawan ng karampatang parusa.

Ang pag-atake aniya sa mga hukom ng bansa ay tila pag-atake na rin sa Rule of Law. Wala rin dapat itong lugar sa civilied society na meron ang Pilipinas, dagdag pa ni Peralta.

Ayon sa mga pulis, dakong alas-2:30 ng hapon kahapon nang pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang mga suspek si Joaquin at staff nito na kinilalang si Rocelle Martinez habang lulan ng kanilang sasakyan patungong Naga City.

Sa ngayon ay nagpapagaling na ang dalawang biktima na kaagad itinakbo sa Libmanan District Hospital.