All set na ang Supreme Court sa kanilang muling pagbabalik sa trabaho sa Hunyo 1 araw ng Lunes.
Ayon kay SC Spokesman Brian Hosaka, lahat daw ng opisina ng kataas-taasang hukuman ay fully operational na sa Lunes maliban na lamang kapag may direktiba na baguhin ito.
Magsisimula raw ang trabaho sa SC dakong alas-8:00 ng umaga hanggang alas-4:30 ng hapon.
Sa ngayon, nakalatag na rin daw ang work arrangement ng kanilang mga empleyado sa SC.
Posibel pa rin naman umanong magkaroon ng skeleton staff sa ibang mga tanggapan kung kinakailangan maliban sa opisina ng Punong Mahistrado at ng mga Associate Justices ng SC para masigurong tuloy-tuloy ang trabaho.
“ All offices shall be fully operational beginning June 1, 2020 unless otherwise subsequently modified thereafter, from 8:00am to 4:30pm., Monday to Friday. During this period, there will be a return-to-work of employees and all offices may maintain a skeleton staff if necessary, except in the office of the Chief Justice and Associate Justices, which shall be determined by the Chiefs of Offices/Services. to keep offices’ vital functions operating at a basic level. This is to ensure non-disruption of work operation in Court,” ayon sa SC.
Samantala, sa panig ng Department of Justice (DoJ), sinabi naman ni Sec. Menardo Guevarra na papayagan nila ang 50 percent ng kanilang work force simula sa Lunes.
Ang mga hindi raw kailangan ang presensensiya sa kanilang mga opisina sa DoJ ay puwede pa rin namang mag-work from home.
“Sa DOJ we’ll authorize up to 50% of our work force starting June 1. The rest, whose work does not require physical presence in the office, may work from home,” ani Guevarra.