-- Advertisements --

Naghahanap na si Gilas Pilipinas head coach Chot Reyes ng ipapalit kay June Mar Fajardo matapos na operahan sa kaniyang lalamunan.

Ilang linggo ng hindi nakapaglaro ito sa Beermen sa PBA kaya hindi na rin nila isinali para sa fourth window ng FIBA World Cup Asia qualifiers sa Nobyembre.

Natamo nito ang injury ng tamaan ng siko ni Rain or Shine import Steve Taylor Jr.

Hindi pa inilalabas ni Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) executive director at spokesperson Sonny Barrios ang listahan na kanilang ipapalit sa 6-foot-10 na si Fajardo.

Makakaharap ng Gilas ang Jordan sa Nobyembre 10 habang ang Saudi Arabia sa Nobyembre 13.