-- Advertisements --

Umaasa ang Samahang Basketball ng Pilipinas (SBP) na magiging minimal lamang ang sanctions ng FIBA kay naturalized player Justin Brownlee.

Kasunod ito sa pagpositibo niya sa substance na iniuugnay sa canabis noong sumailalim sa dope-test pagkatapos ng Asian Games.

Ayon kay SBP executive director Erika Dy, na nais nilang magkaroon ng magaan na parusa kay Brownlee para ito ay makasama nila sa FIBA Asia Cup Qualifiers sa buwan ng Pebrero.

Magiging provisional o voluntary suspension ang isa sa inaasahan nilang magaan na parusa para kay Brownlee.

Makakaharap kasi ng Gilas Pilipinas ang Hong Kong sa Pebrero 221 habang ang Chinese Taipei naman sa Pebrereo 25 para sa FIBA Asia Cup qualifiers.