-- Advertisements --
Plano ng Samahang Basketball sa Pilipinas (SBP) na magsagawa ng hosting ng Gilas Womens basketball.
Sinabi ni SBP president Al Panlilio na ito ang isa sa mga nakalistang plano nila kapag matagumpay na maidaos ang 2023 FIBA Basketball World Cup.
Sa nasabing paraan ay nais lamang nila ipakita na hindi sila tumitigil sa pagsusulong ng mga basketball program sa bansa.
Magugunitang nasa pang-anim na puwesto ang Gilas Women sa FIBA Women’s Asia Cup noong Hunyo habang ang under-16 counterparts ay nagwagi sa FIBA U16 Women’s Asian Championship sa Division A Promotion.