-- Advertisements --

Inanunsiyo ng Samahang Basketball ng Pilipinas ang pagtatalaga kay Erika Dy bilang bagong executive director.

Ayon sa SBP na siya ang mamumuno sa strategic planning ng pederasyon at ang pagpapalakas ng sports sa sa bansa.

Siya kasi ang tumayo bilang deputy event director noong naging host ang bansa sa 2023 FIBA Basketball World Cup noong Agosto.

Sinabi ni SBP president Al Panlilio, nakita nila ang sipag ni Dy sa pagsusulong ng sports sa bansa.

May malaking tulong ito sa basketball dahil sa kaniyang pagiging basketball player, coach, sports advocate.