-- Advertisements --
Hindi nawawalan ng pag-asa ang Samahang Basketball ng Pilipinas (SBP) na mapapapayag nila si Kai Sotto na maglaro sa kasama ang Gilas Pilipinas sa FIBA Basketball World Cup 2023.
Ayon kay SBP executive director at spokesperson Sonny Barrios na nakipag-ugnayan na sila sa kampo ni Sotto.
Hinihintay na lamang nila ang positibong tugon ng kampo ng Filipino Center para mapapayag ito na makapaglaro.
Bumalik kasi sa paglalaro sa Australian National Basketball si Sotto matapos na hindi siya nakasama sa NBA Rookie Draft.
Magugunitang nakasama na ang 20-anyos na si Sotto sa FIBA Asia Cup qualifiers at FIBA Olympic Qualifying Tournament noong nakaraang taon.