-- Advertisements --
Kinondina ng Samahang Basketball ng Pilipinas (SBP) ang ginawang pag-aamok ni Jose Rizal University John Amores sa laban nila ng De La Salle-College of St. Benilde (CSB) sa NCAA.
Ayon kay SSBP Executive Director Sonny Barrios na nakausap nila ang pamunuan ng NCAA at ipinarating ang pagkadismaya nila sa ginawa ni Amores.
Napag-usapan ng ilang opisyal ng NCAA na walang puwang ang anumang kaguluhan o biolenteng pag-uugali ng isang manlalaro.
Magugunitang nilusob ni Amores ang isang fan ng CSB subalit ibinaling ito sa manlalaro ng kalabang koponan.
Dahil dito ay pinatawan siya ng indefinite suspension.