-- Advertisements --

Itinuturing ng Samahang Basketball ng Pilipinas (SBP) na isang malaking bentahe ng Gilas Pilipinas ang pagsama sa coaching staff ni Chot Reyes si Tim Cone para sa fourth window ng FIBA Basketball World Cup Asia Qualifiers.

Sinabi ni SBP executive director at spokesperson Sonny Barrios , na ang presensya ni Cone ay magbibigay ng matinding depensa ng Gilas sa pagharap nila sa Lebanon sa Agosto 26 at Saudi Arabia sa Agosto 29.

Itinuturing kasi na isang malaking hamon para sa Gilas ang pagharap nila sa Lebanon dahil sa bukod sa pagiging homecourt advantage ay may mga magagaling na manlalaro ang mga ito.

Muntik na kasi sila magkampeon sa 2022 FIBA Asia Cup noong Hulyo sa Jakarta, Indonesia ng talunin sila ng Australia 75-73.

Sa nasabing laro din ay siya ang pangalawang pakatalo ng Lebanon sa 23 mga laro nila sa mga international competitions mula pa noong 2019.

Itinuturing na star player ng Lebanon Cedars si Wael Arakji na siyang mayroong average score na 26 points per game.

Ang 27-anyos kasi na si Arakji ay beterano na dahil sa paglalaro niya sa Dallas Mavericks noong NBA Summer League at Beijing Royal Fighters sa Chinese Basketball Association.

Ipinagmamalaki rin ng Lebanon ang pagkakaroon nila ng tatlong manlalaro na naglaro na sa US NCAA basketball at si Jonathan Arledge ang kanilang naturalized player na naging 2011 second-round draftee ng Los Angeles Lakers.