Sinisi ngayon ni Samahang Basketball ng Pilipinas (SBP) president Al Panlilio ang dating Gilas Pilipinas coach na si Tab Baldwin.
Ito ay kasunod ng hindi magandang resulta ng mga laro ng national basketball team sa mga nagdaang torneo.
Sinabi ni Panlilio na mali na isisi lamang sa kasalukuyang head coach ng Gilas na si Chot Reyes ang mga pagkabigo ng Gilas.
Iginiit na ito na dapat talagang sisihin si Baldwin na nagdesisyong umalis sa Gilas at nagdesisyon na maging coach ng Ateneo Blue Eagles.
Ang biglaang pag-alis ni Baldwin ay ipinamana nito ang tila mahihinang manlalaro kay Reyes.
Magugunitang naging hindi maganda ang mga laro ng Gilas sa FIBA World Cup 2023 Asian Qualifiers at ang pagtatapos sa siyam na puwesto lamang sa FIBA Asia Cup bukod pa sa pagiging silver medal lamang ang nakamit nitong 31st Southeast Asian Games na ginanap sa Hanoi, Vietnam.
Ibinunyag pa ng SBP President na naghain na ng resignation si Reyes subalit hindi niya ito tinanggap.