Bumandera ang pangalan ng mga Japan-based basketball players na sina Thridy Ravena, Dwight Ramos at Justine Baltazar kinuha ng Gilas Pilipinas para sumabak sa FIBA tournaments sa Hulyo.
Ayon kay Samahang Basketball ng Pilipinas (SBP) Deputy Executive Director Butch Antonio na mayroon na silang 15 manlalaro para sa nasabing koponan.
Ang nasabing mga manlalaro ay kasama na mag-eensayo sa Gilas Pilipinas bilang paghahanda sa FIBA World Cup Asian Qualifiers at FIBA Asia Cup 2022.
Apat sa mga manlalaro ay mula sa Ateneo de Manila University na pinamumunuan nina SJ Belanguel, Geo Chiu, Dave Ildefonso at naturalized center Ange Kouame.
Kasama rin ang dalawang manlalaro ng University of the Philippines na sina Carl Tamayo at James Spencer.
Nagbabalik din sa koponan si RJ Abarrientos ng Far Eastern University na kasama noong FIBA Asia Cup qualifiers 2021 at sina William Navarro at Francis Lopez na sumabak na rin sa katatapos 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam.
Ilan sa mga bagong kasama sa national team ay sina Rhez Abando ng Letran, Kevin Quiambao ng La Salle at Sherwin Concepcion ng University of Santo Tomas.
Magaganap ang World Cup Qualifiers sa Auckland, New Zealand mula Hulyo 1 hanggang 3 at FIBA Asian Cup sa Jakarta, Indonesia mula Hulyo 12 hanggang 24.
Magugunitang sinabi ni Gilas Pilipnas coach Chot Reyes na kukuha siya ng mga manlalaro sa mula collegiate level dahil sa pagiging abala na ng mga PBA players.










