Kahit man talo, binati pa rin ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) ang national team ng Lebanon matapos na talunin sa dikitang laban kaninang madaling araw ang Gilas Pilipinas.
Ayon sa SBP, naging close match ang laban mula sa simula, kaya naman kapuri-puri rin ang ginawa ng mga Pinoy players sa pangunguna ng NBA star na si Jordan Clarkson.
Sa kabilang nito, hindi pa rin daw maiaalis ang mataas na lebel ng laro na ipinakita ng Lebanon, lalo na sa pagiging agresibo at magandang depensa.
Ipinakita rin daw ng Lebanon na ito ang isa sa pinakamatinding team sa FIBA.
Una nang sinabi ng coaching staff, na kabilang sa kahinaan ng Gilas ay ang kakulangan ng panahon na puspusang ensayo bilang iisang koponan at ang napakaraming turnovers na umabot sa 21.
Sa kabila nito, malaki umano ang natutunan ng team ng bansa para paghandaan naman ang mas malaking laban sa susunod na taon sa World Cup kung saan kabilang sa magiging host ay ang Pilipinas, kasama ang Japan at Indonesia.
Samantala hiniling din naman ng SBP sa mga Pinoy fans ang suporta sa next game sa darating na Lunes kontra Saudi.