-- Advertisements --
Humingi pa ng dagdag na panahon ang gobyerno ng Saudi Arabia para maiproseso na ang hindi nabayarang sahod ng mga overseas Filipino workers (OFW).
Ayon kay Department of Migrant Workers (DMW) Secretary Susan Ople na isinasapinal na ng Saudi officials ang mga dokumento.
Inaayos na rin nila ang mga itinerary para sa pagbiyahe ni Ople sa Saudi Arabia at makaharap ang tamang opisyal.
Magugunitang noong Nobyembre ay nangako ang Saudi government na kanilang babayaran ang hindi naibigay na sahod ng nasa 10,000 OFW na umuwi na sa bansa.
Karamihan sa mga dito ay mula sa construction companies na nagsara noong 2015 at 2016.