-- Advertisements --

Nagkasundo na ang Iran at Saudi Arabia na muling ibalik ang kanilang diplomatic relations at buksan ang kanilang mga embahada sa loob ng dalawang buwan.

Ito ang nabuong kasunduan sa ginawang pulong ng dalawang lider ng bansa na ginanap sa China.

Dumalo sa pagpupulong sina Ali Shamkhani, secretary ng Supreme National Security Council ng Iran, Saudi national security adviser Musaad bin Mohammed al-Aiban at Wang Yi ang senior diplomat ng China.

Matapos ang maipatupad ang desisyon ay mapupulong ang mga foreign ministers ng dalawang bansa para paghandaan ang palitan nila ng mga ambassadors.

Kasama sa kasunduan ang pagbuhay ng security cooperation agreement ng dalawang bansa na napirmahan noon pang 2001.

Tiniyak naman ni Wang na patuloy silang magiging tulay sa mga bansa na mayroong hindi pagkakaunawaan.

Taong 2016 ng putulin ng Saudi ang pakikipag-ugnayan sa Iran matapos na lusubin ng mga protesters ang diplomatic post ng Saudi na nakabase sa Tehran.

Nagbunsod ang protesta ng bitayin ng Saudi Arabia ang kilalang Shia Muslim scholar.