
Nakatakdang bumisita sa Pilipinas si Saudi Arabian Minister of Human Resources and Social Development (MHRSD) Ahmad bin Sulaiman AlRajhi para sa bilateral talks.
Kabilang sa paguusapan ang amyenda sa labor agreement sa pagitan ng Saudi Arabia at Pilipinas.
Ayon kay Deprtment of Migrant Workers (DMW) Secretary Susan Ople, plano na dalawang panig na magkaroon ng mga amyenda sa bilateral labor agreements para maipasok ang mga karagdagang gunagawa para mapag-ibayo pa ang proteksiyon naibibigay para sa mga domestic workers.
Saad pa ng kalihim na ang mga kinatawan ng gobyerno ng Saudi ay darating sa bansa sa susunod na buwan para aregluhin ang mga detalye sa pagbisita ng minitsro.
Ilan pa sa mga agenda na tatalakayon sa pagbisita ng Saudi Arabian Minister ang unpaid claims at iba pang mga proyekto gaya ng special hiring program para sa mga skilled Filipino workers at ang proseso ng digitalisasyon ng DMW.










