Reading Time: 1 minute

PARIS, France – Umaabot na sa 82 ang bilang ng buwan sa planetang Saturn.

Ito ang pahayag ng International Astronomical Union (AIU) Minor Planet Center, matapos matuklasan ang 20 pang buwan na hindi kasama sa mga nabilang noong mga nakaraang panahon.

Dahil dito, nalagpasan na ng Saturn ang 79 lamang na buwan sa Jupiter.

Ayon kay Scott Sheppard, astronomer ng Carnegie Institute of Science, gumamit sila ng Subaru telescope sa Hawaii para lamang makita ang iba’t-ibang anggulo ng subject nilang planeta.

Dahil sa development na ito, Saturn na ang may pinakamaraming buwan sa solar system.

Ilan sa mga kilalang buwan sa naturang planeta ay ang Mimas, Enceladus, Tethys, Titan at marami pang iba.