GENERAL SANTOS CITY – Mahaharap sa patong patong na kaso ang dalawang suspek sa hindi pagsauli sa nirentahan na sasakyan matapos nakunan pa ng iligal na druga.
Kinilala ng pulisya ang mga suspek na sina Ken Camacho at Kristine Arbolonio kapwa residente ng Libertad, Surallah, South Cotabato.
Nahuli ang dalawa sa checkpoint sa Barangay Zone 2, Koronadal City ang Highway Patrol Group matapos nagreklamo ang negosyante na si Novidick Fabros na residente ng Davao City.
Pinarentahan umano nito ang Nissan Navarra pick-up noon pang Oktubre 2019.
Natunton umano ang suspek dahil sa global positioning system na inilagay ng negosyante kaya madaling naharang ang sasakyan.
Ayon kay Major Ruel Villarin ng Highway Patrol Group-12 nang dukutin ang lisensya ng suspek nahulog ang isang pinagdudahang sachet ng shabu.
Dahil sa kadudahang kilos ginawa ang search operation sa tulong ng PDEA at mga barangay opisyal at nakuha ang pitong pakete ng druga at mga drug paraphernalia sa dalawang suspek.