-- Advertisements --

DAGUPAN CITY– Gumagamit na ng sasakyang panghimpapawid ang mga otoridad sa France para maapula ang malaking forest fire sa bahagi ng South West Region.

Ayon kay Bombo International Correspondent Regen Udalve mula sa Paris, France, dahil sa laki na ng sunog, kinakailangan na ng naturang bansa ang mga helicopeters at ilan pang aircraft para makapagbagsak ng tubig sa mga kagubatan na nasunog lalo na at mas lalo pa itong lumalawak.

Aniya, nas mahigit 1500 na mga bumbero na sa kanilang bansa ang nagtutulong tulong ngayon na apulain ang apoy ngunit pahirapan pa rin sila dahil sa laki na ng sunog na nangyari sa kanilang bansa.

Hinihiling ng kanilang bansa na sana ay makatulong ang ilang pag-ulan at bahagyang pagbaba ng temperatura doon upang maibsan na ang paglala ng sunog sa kanilang lugar.

Sa ngayon ay nakalikas na ang mga mamamayan na malapit sa malaking forest fire at kinansela na rin ang anumang klase o trabaho sa nabanggit na lugar dahil sa nabanggit na sunog.