-- Advertisements --
NAGA CITY – Nagpapatuloy ngayon ang imbestigasyon ng mga otoridad matapos aksidenteng mabanga ng isang pampasaherong bus ang isang kotse na minamaneho ng isang pulis sa kahabaan ng Maharlika highway Brgy. Santiago, Pili, Camarines Sur.
Kinilala ang driver ng nasabing kotse na si SSgt. Jeferson Francia, 33, habang ang driver naman ng bus na si Mario Baquirosa.
Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga mula sa PNP-Pili napag- alaman na habang binabaybay ng sasakyan ni Francia ang nasabing daan papuntang Pili, Poblacion nang aksidente itong nabangga ng nag-overtake na bus.
Kaugnay nito, nagtamo ng pinsala ang sasakyan ni Francia habang maswerte namang walang nasaktan sa nangyari.