-- Advertisements --

NAGA CITY- Sugatan ang isang pulis matapos mabanga ang isang motorsiklo sa saksakyan ng isang miembro ng Philipine Navy sa Iriga City.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay PLCol. Alejandro Monge, hepe ng Iriga City PNP, sinabi nito na habang binabaybay ng motorsiklo na minamaneho ni PCpl. Aileen Conche, 33-anyos, PNP member na naka-assigned sa Bato PNP ang kalsada sa lugar at papunta sana sa kanyang trabaho sa bayan ng Bato ng bigla nalamang itong makabangga sa Yamaha sniper na minamaneho naman ni Niño Jonel Rebellon Reparip, 26-anyos, Active member ng Philippine Navy.

Nagtamo ng sugat sa katawan ang pulis na agad namang itinakbo sa ospital.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad hinggil sa nasabing insidente.