NAGA CITY – Maswerteng walang nasaktan sa banggaan ng isang Toyota Innova at Isuzu Jitney sa kahabaan ng Maharlika highway Brgy. New San Roque, Pili, Camarines Sur.

Kinilala ang driver ng Toyota Innova Wagon na si Technical Sgt. Allan Adap, miyembro ng Philippine Army habang minamaneho naman ni Josie Sierra ang Isuzu jitney.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga mula sa PNP-Pili, lumalabas sa inisyal na imbestigasyon na kinain ng sasakyan na minamaniho ni Adap ang linya ng kasulubong na sasakyan.

Dahil dito, bumangga ang sasakyan ni Sierra sa sasakyan ni Adap ngunit mawerteng ang mga sasakyan lamang ang nagkaroon ng pinsala sa insidente.

Samantala, sa ngayon nagpapatuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon sa nangyaring insidente.