to transfer pick up fell Pasig

Dinala na sa ospital ang driver ng 4X4 pick up na nahulog sa ikalawang palapag ng isang hotel sa ADB Avenue sa Ortigas Center, Pasig City.

Nasa parking area ng The Malayan Plaza Hotel ang naturang Ranger pickup nang biglang mahulog.

Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon na patagilid ang bagsak ng pick up na may plakang NBI-8838 kung saan naging mabilis ang pagpapatakbo kaya nawalan ng kontrol ang driver at nag-overshoot sa bakod.

Kinilala ni Police Master Sargeant Allan Mapula ang driver na si Rocky Pagaragan Yabut.

Sa ngayon, naialis na ang sasakyan sa pinagbagsakan nito habang nagpapagaling naman ang driver sa Rizal Medical Center matapos nabali ang kaliwang braso at leeg.

Balik na rin sa normal ang daloy ng trapiko sa Ortigas Center matapos malinis ang mga tumalsik na basag na salamin at nasirang parte ng sasakyan.