-- Advertisements --

Kinumpirma ni Senior Inspector Edisson Reyes, ang firemarshall ng Bureau of Fire Protection (BFP) sa Bacarra, Ilocos Norte ang pagkasunog nga isang sasakyan sa Barangay 20, Pulangi ng nasabing bayan.

Sinabi ni Reyes na sakanilang pagresponde ay isang multicab ang nasusunog na pagmamay-ari ng ITS Company, ang siyang nagkukumuni sa linya ng Convergence fiber Internet sa nasabing barangay.

Ipinaliwanag nito na sa salaysay ng driver ng multicab na si Joey Ignacio, nagkasari ang sasakyan sa mga nagdaang araw.

Aniya, habang nasa biyahe ang sasakyan ay biglang nakaamoy ito ng sunog na nagmumula sa ilalim ng sasakyan hanggang sa umabot iti sa kanyang driver’s seat.

Aniya, madali silang nakalabas ng kanyang mga kasamahan bago magliyab ang buong sasakyan.

Kaugnay nito, sinabi ni Reyes na posibleng mechanical error ang nangyari kung saan may nangyaring Short circuit sa mga wirings nng sasakyan.

Hindi pa matukoy ni Reyes ang kabuuang danyos sa nangyaring sunog ngunit 300,000 piso ang inisyal na ipinaalam ng driver.