-- Advertisements --

Lumabas sa ginawang pag-aaral ng mga eksperto sa Japan na posibleng mabuhay ng siyam na oras sa balat ng tao ang SARS-CoV-2 o ang virus na nagdudulot ng COVID-19.

Batay sa pag-aaral ng Japanese health experts na ipinost sa journal na Infectious Diseases Society of America, inihambing ang SARS-CoV-2 virus sa Influenza A — isang uri ng virus na nagdudulot ng sakit sa ilang hayop.

“We evaluated the stability of SARS-CoV-2 and influenza A virus (IAV), mixed with culture medium or upper respiratory mucus, on human skin surfaces and the dermal disinfection effectiveness of 80% (w/w) ethanol against SARS-CoV-2 and IAV,” ayon sa research.

Bagamat mas mabilis ang oras na nabubuhay ang dalawang virus sa balat ng tao kumpara sa ibang bagay tulad ng bakal at plastic, di hamak umano na mas matagal bago ma-inactivate o mamatay sa skin surface ang SARS-CoV-2 kumpara sa Influenza A.

Ayon sa mga eksperto, tumatagal ng 9.04-hours sa balat ng tao ang COVID-19 virus. Ang Influenza A naman, nasa halos dalawang oras lang.

“IAV on other surfaces was inactivated faster in mucus versus medium conditions, while SARS-CoV-2 showed similar stability in the mucus and medium; the survival time was significantly longer for SARS-CoV-2 than for IAV [11.09 h (10.22–12.00 h) vs. 1.69 h (1.57–1.81 h)].”

Kung may pagkakapareho man ang dalawang virus, kaya raw silang patayin sa loob ng 15-segundo sa pamamagitan ng alcohol.

“Moreover, both SARS-CoV-2 and IAV in the mucus/medium on human skin were completely inactivated within 15 s by ethanol treatment.”

Nangangamba ang mga nagsaliksik dahil habang tumatagal sa balat ng tao ang virus ng COVID-19, ay tumataas din ang tsansa na maipasa ito sa ibang tao.

“The 9-h survival of SARS-CoV-2 on human skin may increase the risk of contact transmission in comparison with IAV, thus accelerating the pandemic. Proper hand hygiene is important to prevent the spread of SARS-CoV-2 infections.”

Ang institutional review board pa lang sa Japan ang sumuri sa naturang research. Hindi pa ito dumadaan sa peer review o o malawakang pagsusuri ng iba’t-ibang eksperto kaya hindi pa matibay ang findings ng pag-aaral.

“The study protocol, including the sample collection procedures, was reviewed and approved by the Institutional Review Board of the Kyoto Prefectural University of Medicine.”

Pero para sa Department of Health ng Pilipinas, makabubuti na habang hinihintay ang resulta ng pag-aaral ay pananatilihin ng publiko ang pagsunod sa minimum health standards.

Ayon kay Health Usec. Maria Rosario Vergeire, nangangalap pa ng datos ang local experts ukol sa posibleng kaso o insidente ng findings na natukoy ng international experts.

“Ang lagi naming sinasabi, specially when you go out of your house, kapag uwi niyo huwag muna kayo makipag-interact sa pamilya niyo. Maligo, magsabon ng ulo para matanggal ang virus na posibleng dumikit sa ating katawan.”

“Ganoon pa rin ang precautions natin so that we can prevent further infections.”