-- Advertisements --

LAOAG CITY – Inilahad ni Bombo International News Correspondent Michael Causing Navarro, nagsisilbing Secretary ng Filipino Overseas Empowerment Association sa Thailand na plano nitong idulog kay Dept. of Migrant Workers Secretary Susan Ople ang hiling ng mga Pilipino na magkaroon ng sariling Philippine Overseas Labor Office (POLO) sa nasabing nasyon.

Aniya, ito ang matagal ng kailangan ng mga Pilipino na nagtratrabaho sa Thailand.

Una rito, ipinaalam ni Causing na sa inaasahang pagkikita nila ni ople ay mapag-uusapan ang hinaing ng mga gurong Pilipino.

Samantala, sinabi ni Causing na habang nasa Thailand si Presidente Ferdinand Marcos para sa APEC 2022 ay inaasahang bibisita ito sa Reyna at Hari ng Thailand.

Dagdag niya na kasama sa agenda ng pangulo ang pakikipagpulong sa iba’t-ibang economic leaders at Filipino Community ng Thailand bukas, araw ng sabado.

Kaugnay nito, ipinaalam ni Causing na posibleng malimitahan ang mappayagang sumali sa pakikipagkita ni presidente Marcos sa mga Pilipino bilang pagsunod sa mga restriskyon ng Thailand kontra sa covid-19 virus.

Naniniwala si Causing na magiging matagumpay ang mga plano ng mga Pilipino at didinggin ng mga opisyal ang kanilang sularanin sa nasabing bansa.