Papasok na rin ang Philippine National Police (PNP) sa imbestigasyon hinggil sa tunay na dahilan sa likod ng magkasunod na pagkamatay ng magkapatid na Parojinog.
Aminado si PNP Chief Gen. Camilo Cascolan na hindi nito naintindihan ang naging findings ng physician sa pagkasawi ni Melodia Parojinog.
Ayon kay Cascolan kailangan muna nilang imbestigahan, i-evaluate at tanungin ang mga doktor sa kanilang findings upang mas mbigyan sila ng impormasyon sa totoong nangyari.
Subalit ayon kay Jail Officer 1 Christian Mendez, nurse kung saan nakakulong si Melodia, masyado na raw mababa ang blood pressure nito na naging dahilan upang dalhin na ito sa ospital.
Pagbabahagi pa ni Mendez na sumailalim din si Melodia sa isang procedure sa kaniyang uterus na naging dahilan naman kung bakit naging bed ridden ito.
Kinumpirma naman ni Cascolan na na-iturnover na ang mga labi ng dating Ozamiz City Councilor Ricardo “Ardot” Parojinog sa kaniyang pamilya matapos sumailalim sa forensic examination.
Una itong dinala sa isang funeral parlor sa Ozamiz para i-test kung ositibo ito sa COVID-19.
Sinigurado rin ng PNP chief na sisimulan na ng Misamis Occidental provincial police ang kaniyang imbestigasyon sa pagkamatay ng dating konsehal.