-- Advertisements --

GENERAL SANTOS CITY – Niyanig ng magnitude 5.0 na lindol kaninang alas-4:14 ng madaling araw ang Sarangani, Davao Occidental.

Sa report ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) na ang sentro ng lindol ay nasa 144 kilometers ng southeast ng naturang lugar.

May lalim ito na 80 kilometers at tectonic in origin.

Sa Instrumental Intensities: Intensity II – Malungon, Sarangani at Intensity I – sa Alabel, Sarangani.

Walang naiulat na may pinsala sa nasabing lindol.

Inaasahan ang mga aftershocks sa nangyaring lindol.