-- Advertisements --

Pinawi ni Sarah Geronimo ang pangamba ng kaniyang mga fans matapos na kanselahin nito ang show kasama si Bamboo sa Pampanga.

Sinabi nito na pinayuhan siya ng kaniyang doctor na magpahinga.

Nagkaroon aniya ito ng kakulangan ng ensayo physically at vocally kaya nagkaproblema ang boses nito.

Inihayag din ng singer ang pagnanais niya ng paggawa ng pelikula.

Sa ngayon aniya ay abala ito kasama ang asawang si Matteo Guidiccelli sa kanilang negosyo.