DAVAO CITY – Umapela si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio sa publiko matapos maiulat na may mga gumagamit ng kanyang pangalan sa isang online lending activity.

Inalerto ng lokal na pamahalaan ang mga residente para maiwasang maging biktima ng naturang paratang na nagsasabing suportado umano ng alkalde ang mga aktibidad ng naturang online lending.

Nilinaw ng presidential daughter na wala siyang sinu-suportahan o ibinibentang serbisyo gaya ng fast cash loan.

Sa ngayon patuloy na mino-monitor ng mga otoridad ang nasabing modus sa lungsod ng Davao.