Nilinaw ni vice presidential aspirant Sara Duterte-Carpio na walang diskusyon sa pagitan nila ni presidential bet Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. hinggil sa disqualification charge laban sa dating senador.
Sa isang statement, sinabi ni Duterte-Carpio na “exceptionally unpleasant” para magkaroon ng pag-uusap hinggil sa kanyang posibleng pagpalit kay Marcos gayong wala sa kasalukuyan ay hindi pa naman din sila nananalo sa halalan.
“It is putting the cart before the horse,” dagdag pa niya.
Iginiit ni Duterte-Carpio na hindi niya pinapansin ang mga kuro-kuro hinggil sa posibleng pagpalit niya kay Marcos.
“[I] also do not look forward to a scenario of a disqualified BBM—before or after the elections,” ani Duterte-Carpio.
Nanindigan din siya na ang disqualification charges laban kay Marcos ay walang basehan.
Ito aniya ay ginagawa ng mga anti-Marcos forces na desperado nang makuha ang kontrol ulit ng bansa, kahit pa nagreresulta ito sa pagkakahati-hati na ng taumbayan, nakakasagabal sa kalayaan, at pangungutya sa mga batas.