Dinepensahan ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio si Ilocos Norte Gov. Imee Marcos laban sa mga alegasyong peke umano ang records nito noong kolehiyo at sa law school.

Sa isang interview, sinabi ng presidential daughter na sapat ang karanasan ni Marcos bilang gobernador sa loob na mahabang panahon para tumakbo bilang senador.

Nauna na raw nangako si Marcos na maglalabas ng statement tungkol sa mga akusasyon.

Kung maaalala, kabilang ang Ilocos Norte governor sa 12 senatorial candidates na inindorso ng regional political party ni Carpio na Hugpong ng Pagbabago.