-- Advertisements --
Naibenta sa halagang $2.2 milyon ang isang pares ng sapatos na isinuot ni NBA superstar Michael Jordan.
Itinuturing ng Sotheby’s auction na record-breaking ang nasabing halaga.
Ang “Bred” Air Jordan 13 ay isinuot ni Jordan noong Game 2 ng 1998 NBA Finals para sa ika-anim at huling NBA championship title nito sa Chicago Bulls.
Nahigitan nito ang sariling sapatos ni Jordan na naibenta sa halagang $1.5 milyon noong Setyembre 2021.
Noong nakaraang taon ay naibenta ang kaniyang jersey sa halagang $10.1-M na siyang itinuturing na pinakamahal na nabili sa isang auction na isinuot ng sinumang atleta.