-- Advertisements --

Nalusutan ng San Miguel Beermen ang NorthPort 88-86 sa nagpapatuloy na PBA Philippine Cup sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Itinuturing na bayani sa laro si Arwind Santos matapos na maipasok nito ang winneing jumper sa sa free throw line sa natitirang 1.2 seconds.

Pinangunahan naman ni CJ Perez ang Beermen na nagtala ng 18 points, walong rebounds at limang steals.

Nasayang naman ang ginawang 23 points at 17 rebounds ni Greg Slaughter na unang laro niya mula noong 2019 Governor’s Cup Finals ng i-trade siya ng Ginebra sa Batang Pier nitong Marso.