CAUAYAN CITY- -Nakapagtala ang Santiago City ng limang panibagong kaso ng COVID-19
Kabilang sa mga panibagong nagpositibo sa virus ay si CV 4373, 44 anyos na babae, OFW na residente ng barangay Dubinan East.
Pangalawa si CV 4380,42 anyos na babae, returning Overseas Filipino mula sa Dubai na residente ng barangay Plaridel.
Pangatlo si CV 4387, 71 anyos na lalaki, magsasaka residente ng barangay Batal at walang kasaysayan ng paglalakbay.
Pang-apat si CV 4388, 42 anyos na lalaki, residente ng barangay General Malvar, walang kasaysayan ng paglalakbay subalit maysakit na asthma at hypertension.
Ang panghuli ay si CV 4389, 22 anyos na lalaki, online seller na residente ng barangay Centro East.
Nasa LGU Isolation Facility ns sina CV 4373, CV 4380, CV 4388 at CV 4389 samantalang nasa CVMC naman si CV 4387 at nakatakdang ilipat sa Southern Isabela Medical Center.
Patuloy ang pagsasagawa ng contact tracing ang CESU para sa mga posibleng nakasalamuha ng mga naitalang positibo sa virus.