CAUAYAN CITY – Nagtala ng apat na panibagong kaso ng COVID-19 ang Santiago City
Una ay si CV 3027, 34 anyos na babae, residente ng barangay Baluarte at isang Admitting Clerk sa isang pagamutan.
Walang kasaysayan ng paglalakbay ang pasyente subalit nakaranas ng lagnat, ubo at pananakit ng ulo na nagsimula noong November 2, 2020.
Pangalawa ay si CV 3028,33 anyos na babae, at mula sa barangay Dubinan West.
Wala rin siyang kasaysayan ng paglalakbay subalit nakasalamuha si CV 2873 na mula sa Cauayan City.
Pangatlo ay si CV 3029, 33 anyos na babae na mula sa barangay Baluarte.
Mayroon siyang kasaysayan ng paglalakbay sa Dasmariñas, Cavite at nakabalik sa Santiago City noong November 7, 2020 at sumailaim sa LGU Quarantine Facility bilang protocol.
Pang-apat ay si CV 2986, 29 anyos na babae, mula sa barangay Rosario at isang health care worker sa isang ospital sa Lunsod.
Siya ay walang kasaysayan ng paglalakbay ngunit may pakikisalamuha kay CV 2742 na isa ring health care worker na residente ng San Isidro, Isabela.
Sa kasalukuyan ay nasa pangangalaga na siya ng Southern Isabela Medical Center habang nasa pangangalaga ng LGU quarantine facility ang tatlong bagong kaso.
Patuloy ang pagsasagawa ng contact tracing ng City Epidemiology and Surveillance Unit para sa mga posibleng nakasalamuha ng mga bagong naitalang kaso.
Pinaalalahanan din ng Santiago City Health Office ang publiko na tumugon sa public minimum health protocol upang makaiwas sa virus.