-- Advertisements --
belgium antwerp

Nagbigay kasiyahan sa isang nursing home si Santa Claus pero sa kanyang pag-alis ang-iwan naman ito ng napakaraming nahawa sa deadly virus.

Una rito isang lalaki ang nagsuot ng Santa Claus upang magbigay aliw sa mga matatanda at bata sa Hemelrijck care home sa probinsya ng Antwerp sa bansang Belgium.

Ayon sa mayor ng Mol na si Wim Caeyers, napakaganda ng layunin at intensiyon na pagbisita ni Santa Claus, pero sa huli sumablay dahil sa naging daan ang event upang matawag na super spreader ng COVID-19.

Umabot sa 75 katao ang dinapuan ng COVID kung saan nasa 61 dito ang senior citizens at 14 naman ang staff.

Bago ang pagbisita ni Santa Claus, inabisuhan ito na magsuot ng face mask bilang pagsunod sa health protocols.

Pero nang dumating na si Santa Claus nagkaroon na ng kasayahan.

Pagkatapos kasi nang pagbisita ni Santa Claus ay nagpositibo ito sa coronavirus na nagbunsod kaya pina-test din ang mga mga tao sa nursing home.