BOMBO DAGUPAN -Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection upang matukoy ang sanhi ng pagkasunog ng isang bahay sa brgy Dumalandan East sa bayan ng Lingayen, Pangasinan.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kina Fire Officer 2 Karl De Guzman, ang Officer in Charge Operation at Fire Officer 1 Reyster Custodio, ang natupok na bahay ay pagmamay-ari ng isang 82 anyos na lalaki.
Matutulog na sana umano ang may-ari ng bahay kasama ang kaniyang asawa nang makakita sila ng isang spark sa kuryente sa kanilang bahay at dito na nagsimulang lumiyab ang apoy.
Mabilis umanong kumalat ang apoy dahil gawa sa light materials ang bahay.
Sa kabutihang palad ay wala naman umanong nadamay o nasawi sa naganap na sunog.
Umaabot naman sa higit P100,000 ang kabuuang danyos sa pinsala.
Bagamat ang faulty wiring ang nakikitang sanhi ng sunog, ay aantayin pa ang kumpirmasyon ng mga kinauukulan.