-- Advertisements --

Inatasan ni Pasig City Mayor Vico Sotto ang City Engineer’s Office na bilisan ang imbestigasyon at pagsasa-ayos sa nabitak na bahagi ng Topaz Road, Ortigas Center sa naturang syudad.

Kanina, personal na pinuntahan ng alkalde ang napinsalang kalsada sa Brgy. San Antonio, Pasig City.

Ayon sa opisyal, malaking perwisyo ang dulot ng crack dahil isa ito sa mga pangunahing daanan sa Ortigas Center.

Una rito, namataan ang malaking bitak pagkatapos ng thunderstorm, kung saan malakas ang naging buhos ng ulan at mayroon ding kulog at kidlat.

Sa inisyal na obserbasyon, posibleng bumigay daw ang pundasyon ng kalsada, kaya lumubog ito ng halos 10 ft.

Inaasahan ni Sotto na makakakuha ng malinaw na report mula sa City Engineer’s Office ngayong araw.